Welcome to DepEd Naga City

Search
Go to content

Main menu

Panunumpa Ng Mga Kawani Ng Gobyerno

ABOUT US > Academic Ceremony

Panunumpa Ng Mga Kawani Ng Gobyerno

Ako’y kawani ng gobyerno
Tungkulin ko ang maglingkod ng tapat at mahusay
Dahil dito,

Ako’y papasok ng maaga at magtatrabaho, nang
Lampas sa takdang oras kung kinakailangan;
Magsisilbi ako ng magalang at mabilis, sa lahat
Ng nangangailangan;
Pangangalagaan ko ang mga gamit, kasangkapan
At iba pang pag-aari ng pamahalaan;
Magiging pantay at makatarungan ang pakikitungo ko,
Sa mga lumalapit sa aming tanggapan;
Magsasalita ako laban sa mga katiwalian at pagsasamantala;
Hindi ko gagamitin ang aking panunungkulan,
Sa sarili kong kapakanan
Hindi ako hihingi o tatanggap ng suhol;
Sisikapin kong madagdagan ang aking talino,
At kakayahan, upang ang antas ng
Paglilingkod sa bayan, ay patuloy na maitaas.

Sapagkat ako’y kawani ng gobyerno,
At tungkulin ko ang maglingkod nang tapat
At mahusay sa bayan ko at sa panahong ito;
Ako at ang aking kapwa kawani,
Ay kailangan tungo sa isang maunlad,
Masagana at mapayapang Pilipinas.
Sa harap ninyong lahat, ako’y taos pusong
Nanunumpa

Share
bing
Back to content | Back to main menu